(March 8, 2012) Sa regular session ng Sangguniang Panlungsod kahapon, tatlong magkakahiwalay na ordinansa ang naapruba sa ikatatlo at pinal na pagbasa.
Isa sa mga ordinansang naapruba sa sesyon ay ang Proposed Ordinance Establishing and Regulating the Vegetable and Fruit and Dropping Zone or Bagsakan Center dito sa lungsod sa ilalim ng komitiba ni Konsehal Rodrigo Jamorabon.
Isa sa mga ordinansang naapruba sa sesyon ay ang Proposed Ordinance Establishing and Regulating the Vegetable and Fruit and Dropping Zone or Bagsakan Center dito sa lungsod sa ilalim ng komitiba ni Konsehal Rodrigo Jamorabon.
Nauna nang tinalakay at naapruba sa ikalawang pagbasa ang nasabing ordinansa sa isinagawang sesyon ng Sanggunian noong Pebrero 22. Isa sa mga layunin ng batas na ito ay upang mapanatili ang kalinisan ng lungsod ng Tacurong lalo na sa pampublikong pamilihan at magkaroon na lamang ng isang lugar kung saan ang bilihan ng mga produkto ay dito na gagawin ng retailers, dealers at wholesalers. Isinasaad sa ordinansa na ang bagsakan center ay ilalagay sa tabi ng public terminal ng lungsod.
Sa kabilang dako, sa ilalim naman ng komitiba ni Konsehal Paulino Ledda, naapruba din sa third and final reading kahapon ang Proposed Ordinance Amending Article V, Section 1 (b), Section 2 (c) and Section 3 (d) ng Ordinance No. 51 Series of 2004 Entitled Tacurong City Integrated Public Terminal. Magugunitang nauna nang nagsagawa ng konsultasyon noong Enero 24 kung saan tinalakay ang pag-amyenda sa nasabing ordinansa ukol sa entrance and exit ng mga pampublikong sasakyan sa public terminal.
Samantala, ang pangatlong ordinansa na naapruba ng Sanggunian kahapon ay ang batas na nag-aamyenda sa Section 5 ng Ordinance No. 2 Series of 2011. Ang ordinansa ay may pamagat na ‘Ordinance Requiring All Pregnant Women in the City of Tacurong to Give Birth at the Birthing Clinic, Rural Health Unit, Barangay HJealth Station and Hospitals at nasa ilalim ng komitiba ni Konsehal Joseph Lechonsito. Isinasaad ng naturang batas na ipinagbabawal na sa mga buntis ang pagsilang ng sanggol sa kanilang mga kabahayan. (LGU-Information/ with report from Myla Muyco)
No comments:
Post a Comment