Pinapalakas pa lalo ng lokal
na pamahalaan ng Tacurong ang pagsusulong sa gender-sensitive governance. Isang
paraan na dito ang pagtatag sa Gender and Development o GAD Focal Point System
na binuo sa bisa ng Executive Order na inilabas ni Mayor Lina Montilla noong
Agosto 29 nitong taon.
Ang Gad Focal Point System ay
tumutukoy sa grupo ng mga tao taglay ang layunin na pahalagahan ang karapatan
ng mga kababaihan sa lipunan at isulong ang mga programang nag-aangat sa
kanila. Ang GAD Focal Point System na pinagtibay ng Republic Act Number 9710 o
Magna Carta of Women ay binubuo ng Executive Committee, Technical Working Group
at Secretariat. Para sa lungsod ng Tacurong, tumatayong chairperson ng ExeCom
si Mayor Lina Montilla at Vice Chairperson naman si Vice Mayor Joseph
Lechonsito.
Mga kasapi naman ng EceCom ang
lahat ng department heads ng LGU ganundin si City Councilor Charito Collado na
pinuno ng SP Committee on women, Children and Family, Councilor Cirilo Flores
na pinuno ng SP Committee on Finance, Liga ng mga Barangay President Hernani
Fermo at City Local Government Operations Officer Alberto Sero, Jr.
Kasama din sa mga myembro ng
Execom ang mga kinatawan ng City Schools Division, Department of Labor and
Employment, Tacurong PNP, Kapisanan ng Liping Pilipina, at Women with
Disability. Kasama naman sa Technical Working Group at Secretariat ang mga
kawani ng LGU na kumakatawan sa ibat ibang mga tanggapan nito.
Magugunitang bago pa man
maitatag ang GAD Focal Point System, nauna nang nakabuo ng GAD Task Force ang
lungsod ng Tacurong. At dahil kailangang mas palakasin pa ang pagsulog sa
gender-sensitive programs, binuo ang GAD Focal Point System. Sa pagkakabuo nito, ang mga opisyal at kawani
ng LGU ay responsable sa pagsusulong ng gender and development sa pagbalangkas
ng mga batas sa gobyerno, pagplano sa budget, at pagpapatupad ng mga programa
kabilang na ang monitoring at evaluation.
Noong Setyembre 9 ay nagdaos
ng unang meeting ang mga kasapi ng GAD Focal Point System na pinangunahan ni
Mayor Montilla. Nagbigay din ng orientation at briefing si CLGO Officer Sero sa
mga isinasaad ng mga kaukulang batas at memorandum circular sa pagbuo ng GAD
Focal Point System.
Inaasahan naman na sa
pagbalangkas ng budget para sa susunod na taon, lubos pang mabibigyang-pansin
na ang GAD programs. Isinasaad sa batas na limang porsyento ng kabuuang budget
ng isang LGU ay nakalaan sa GAD. Sa ilalim ng GAD, ang mga babae ay binibigyan
ng patas na oportunidad sa mga lalaki sa lahat ng aspeto ng pamumuhay sa
lipunan. Isinusulong din nito ang lahat ng mga proteksyon sa mga babae laban sa
diskriminasyon at pang-aabuso. (LGU
Tacurong City Information)
No comments:
Post a Comment