Kasama sa paglilibot sa mga tanggapan ng agencies sina Allan Freno at Myla Muyco mula sa PESO at Ginang Mercy Uy mula sa DOLE Provincial Field Office
Sa talaan ng DOLE at PESO, mayroong labing-isang recruitment agencies para sa overseas employment na nakabase sa lungsod noong taong 2013.
Sa paglilibot na isinagawa noong Byernes, napag-alaman na tumigil na sa kanilang operasyon ang Pacific Mediterranean Recruitment Agency sa lungsod at umano’y lumipat na sa ibang lugar.
Samantala, sa sampung agencies na mayroon pang branch offices sa lungsod, napag-alaman na isa pa lamang nag nakakumpleto sa pagproseso nila ng business permit sa city hall at ito ay ang Zontar Manpower Services Inc.
Limang agencies naman ang patuloy pang ipinoproseso ang kanilang business permits. Ito ay ang Al-Alamia International Manpower Services, MMML Recruitment Services Inc., Stronghold Manpower International Recruitment Agency Corporation, Nonstop Overseas Employment Corporation, at Mondial Overseas Corporation.
Hindi naman nakunan ng impormasyon ang apat pang recruitment agencies dahil sarado pa ang mga ito noong umaga na isinagawa ang monitoring. Ito ay ang Bobstar International Recruitment Agency, A-M Phil Professional Services Corporation, Al Romaithi International Manpower Services, at United Placeman Philippines, Inc.
Samantala, hinikayat naman ng PESO ang mga agencies na hindi pa nakapag-renew ng business permit na tapusin muna ang renewal nila bago sila mag-recruit ng mga aplikante.
Inoobliga naman ng DOLE ang bawat agency na bago mag-proseso ng business permit, kailangan muna nitong dumaan sa kanilang tanggapan para humingi ng certification. Ang certification ng mula sa DOLE ay nagpapatunay na kumpleto ang mga papeles ng agency kalakip na ang valid POEA license nito at dokumentong nagsasaad ng “Authority to Operate a Branch Office” sa lungsod ng Tacurong. (LGU Tacurong Information)
No comments:
Post a Comment